Solenn nakipaglaplapan to-the-max kay Ogie sa Boy Pick Up!

ILANG takes ang inaabot kapag kinukunan ang kissing scenes nina Ogie Alcasid at Solenn Heussaff sa movie na “Boy Pick Up” ng Regal at GMA Films na ipapalabas na starting June 6 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

Mismong si Solenn ang nagkuwento sa amin na siyempre, ilang takes rin minsan dahil iba-ibang angle ang kinukunan ng director. Wala man lang daw ilangan na nangyari sa kanila ni Ogie dahil para lang silang magkapatid dahil iisa ang kanilang manager, si Leo Dominguez.

Para kay Solenn, kuya niya si Ogie kaya kung anumang maromansang tagpo mayroon silang dalawa ay walang dapat ipag-alala si Regine Velasquez dahil trabaho lang lahat ang nagaganap sa kanila sa Boy Pick Up.

Ang portion na Boy Pick Up sa gag show na Bubble Gang ng GMA-7 ang pinagmulan ng movie pero sabi ni Ogie nang nakapanayam namin sa presscon ay mas pinalawak ang istorya ng buhay ni Boy Pick Up sa movie pati na rin ang buhay ng pangunahing kontrabida ritong si Dennis Trillo.

Sa parte ni Dennis, okay lang na binigyan siya ng pagkakataon ni Ogie na sumuporta sa movie dahil naiibang character ito na patterned after Heath Ledger sa isang action movie na nagawa ng actor bago siya sumakabilang buhay.

000

Bea Binene at Jake Vargas, pinaghihiwalay na ba ng GMA-7?

SA TAKBO ng love team ngayon nina Bea Binene at Jake Vargas, huling pagsasama na pala nila bilang loveteam ang Tween Hearst at Alice Bungisngis, parehong soap ng Kapuso network na malapit nang magpaalam sa ere.

Parehong top billing sa dalawang soap ang dalawa.

Nakapagtataka na sa latest project ni Bea sa network, walang Jake na leading man niya sa soap na Luna Blanca. Si Jake naman pagkatapos ng Tween Hearts at Alice Bungisngis, wala pang pupuntahang bagong show. Sabi ni Jake ay  mananatili na lang siya muna sa Party Pilipinas at Walang Tulugan.

Si Bea naman, bukod sa Luna Blanca ay may Party Pilipinas at Good News.

Ang nangyayari sa love team nina Bea at Jake tulad din nang nangyari kina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Si Barbie ay may bagong ka-love team na sa bagong dramedy program ng GMA-7, ang Tweets for my Sweet na tampok si Marian Rivera. Partner ni Bea sa comedy show si Elmo Magalona.

Hanggang ngayon ay walang bagong soap si Joshua sa GMA. Sabi ng young actor ay gusto niyang magbalik-school at tapusin ang kanyang pag-aaral.

Samantala, ang Luna Blanca ay patuloy na gumawa ng ingay sa ere dahil tampok sa first episode ang dalawang child superstar ng GMA na sina Jillian Ward at Mona Louise Ray. Ipinakikita ngayon sa istorya ang kakaibang paglaki ng dalawa. Mas paborito ni Camille Prats ang anak na maputi sa katauhan ni Mona Louise, kaysa kay Jillian na isang negra. Ayaw ni Camille kay Jillian dahil anak daw ito ng  Maligno. Bale ang ama ni Jillian ang aninong madalas sumusunod sa bata para gabayan.

Lovi makikipagtagisan ng acting at paseksihan kay Jennylyn sa movie ni Joel Lamangan sa Regal

SA pagtatapos ng Legacy ngayong week sa GMA, super busy pa rin ang award-winning dramatic actress na si Lovi Poe. Dalawang movies agad ang nakalinya na kanyang gagawin under Regal Films. Una’y ang Guni-Guni na horror-drama-fantasy sa tradisyon ng Aswang na kumita sa takilya last year.

Iba-iba ang Guni-Guni dahil sa may bagong leading man si Lovi rito, ang bagong talent ni Jonas Gaffud of Mercator na si Benjamin Alves, ang pamangkin ni Piolo Pascual na pumirma rin ng contract sa GMA-7’s Artist Center recently. Laking Guam at doon din siya nag-aral ng kursong engineering at na-discover ni Jonas sa isang fashion event sa Guam.

Bukod  sa leading man, may bagong director din si Lovi, si Tara Illenberger. Bale first directorial debut ito ni Tara sa mainstream film. Ang pangalawang movie ni Lovi sa Regal ay may tentative title na The Bride and The Lover na ididirek ni Joel Lamangan. Ang movie ay nasa tradisyon ng sexy-drama movie ng My Neighbor’s Wife na nagbigay-kulay kay Lovi bilang magaling na sexy-dramatic actress as she delineated Dennis Trillo’s wife.

Sa The Bride and The Lover naman ay makatutunggali ni Lovi sa paseksihan at acting si Jennylyn Mercado at ang leading man naman nila pareho ay si Paulo Avelino.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply