86 paaralan, 65 dormitoryo lumabag sa fire safety– BFP

LUMABAG sa fire safety rules and regulation ang 86 paaralan at unibersidad, maging ang 65 dormitoryo sa Metro Manila, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat kay Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo, sa 86 na ininspeksyon, 46 dito ay mula sa Maynila, 21 sa Muntinlupa, 11 sa Makati at walo sa San Juan, habang ang 65 dormitoryo ay mula sa Maynila.

Nakitaan ng paglabag sa fire safety rules ang mga naturang establisyemento sa ikinasang inspeksyon. Nabatid na marami ang mga may sirang bintana sa classroom. Walang iron grill construction at walang window opening na maaaring gamiting emergency rescue. Nakasara ang mga ventilation at walang emergency evacuation plan na naka-post sa hallway at corridors ng gusali.

Marami ang walang automatic sprinkler system na naka-install, walang fire escapes, defectives units ng automatic battery emergency lights, fire alarm, fire extinguisher at fire exit signage. Hindi rin luminous at wala sa standard size ang mga signage.

Bibigyan ng pagkakataon ang mga nasabing paaralan at dormitoryo para makompleto ang kanilang kakulangan.

Layunin ng inspection na masuri ang mga paaralan at dormitoryo bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa darating na linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply