15 ektaryang palayan na naging kabahayan

MERON tayong nakikitang malawak na lupain na noo’y pinag-aanihan ng libong kabang palay.

Ngayon, mangilan-ngilang kalabaw na lang ang ating nakikita na nanginginain sa mga damuhan sa pagitan ng mga kalsada sa lupain.

Noon, naghahalo ang maraming kalabaw at kuliglig sa pag-aararo at paghakot sa mga binhi, punla at ani ng mga magsasaka.

Ngayon, gatas na lamang ang inaani sa mangilan-ngilang kalabaw.

Wala na ang mga kuliglig at wala na rin ang mga kiskisan ng palay sa paligid.

Nagaganap ito, Suki, dahil sa ginagawa nang subdibisyon ang 15 ektaryang lupain.

oOo

Ganap nang nabago ang lupain sapagkat marami nang itinambak na bato, graba at buhangin dito.

Sanga-sanga na rin ang mga kalsada at napatag na ang mga dati’y bulubunduking bahagi hanggang sa nakalos nang ganap ang mga matatabang lupa at lumabas ang maraming adobe.

Bukod sa ganitong anyo ng mga bakante pang bahagi nito, natayuan na rin ng bahay ang siguro’y nasa 3-4 na ektarya.

Dahil dito, kailanman ay hindi na maibabalik pa ang lupain para pagtamnan ng pagkain ng mamamayan.

oOo

May napansin lamang tayo.

Maganda sana kung hindi lang isa o dalawang palapag ang mga itinatayong bahay sa dating palayan ngunit ngayo’y subdibisyon na.

Sa ibang salita, Suki, nakapanghihinayang na inuubos ang malawak na lupain sa maliliit na mga kabahayan.

Paano kaya kung baguhin na ng pamahalaan ang paggamit ng mga lupain, kahit sa mga ginagawa nang pantahanan?

Por eksampol, bakit hindi ipilit ng pamahalaan na gawin nang apat na palapag ang pinakamababang haws sa mga hawsing pradyek?

Sayang na sayang ang mga lupain. Bigyan ng mga kinauukulan ng pansin ang mga nakalalasong kemikal na itinatapon sa lawa.

Hindi lang isda kundi tao ang nalalason diyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply