161 o 6462436 to 38: Kailangan bang i-memorize?

KAILANGAN ng pulis ang tulong ng mga residente para mabawasan ang krimen sa ating paligid. Tulad sa amin sa Marikina, hinihikayat ni Mayor Del R. de Guzman ang bawat residente na maging aktibo sa pag-report ng mga suspicious looking character o mga kahina-hinalang pangyayari.

Mainam na makiisa tayo laban sa krimen kasi ‘di natin masasabi kung kailan na tayo naman ang magiging biktima. Kailan tayo kikilos? Kailan tayo tutulong? Kapag tayo na ang nabiktima?

Huwag na po nating hintayin na mabiktima ang mga mahal natin sa buhay. Tumulong tayo na mabawasan ang krimen. Tulungan natin ang kapulisan na masakote ang mga kriminal.

Tandaan lang po natin ang numerong 6462436 hanggang 38. Ipaskil po natin sa mga visible na lugar sa ating bahay, i-save po natin sa contacts list ng ating cellphones, i-share po natin sa ating mga kapitbahay at kamag-anak.

* * * * * *

Lock your gates. Kararating lamang ng kapitbahay namin galing sa Bulacan at ‘di pa nasasara ang gate sa garahe nang katukin ng 2 lalaking nagpakilala na taga-Meralco.

Ayun, nang nakapasok, naglabas na ng baril ang mga kumag. Nanakawan na sila, na-rape pa ang isang kasama nila.

Sabog siguro ang gumawa nito dahil kung magnanakaw lang yan, madaliang tumira yan.

Ito, nakuha pang manghalay.

Kaya’t pakiingatan ninyo ang inyong mga gate at pinto. Dahil pag nasalisihan kayo ng Salisi gang o Gapos gang, kawawa ang mga kasama ninyong babae sa bahay.

Kaya ako sobrang higpit pagdating sa seguridad sa bahay. Naniniwala kasi ako, at handa ako na kapag napasukan kami ng magnanakaw – yun na ang araw ng kamatayan ko!

Hindi ko kasi hihintayin na gagahasain pa ang misis ko o anak ko sa harap ko habang nakagapos ang mga kamay ko.

Mas mabuting mamatay habang pinoprotektahan ang aking pamilya kaysa mabuhay na sinisisi habang buhay na ‘di ko naprotektahan ang aking mga mahal sa buhay.

Ikaw ba, kaya ng pagkalalaki mo na tanggapin yon? Kahit kayong mga babae, sigurado kahit di ninyo aminin, mawawalan kayo ng respeto sa mga mister ninyo o sisisihin ninyo sila kapag nangyari yon. Tama po ba?

Ika nga ng isang kaibigan na taga Liwasang Kalayaan sa Marikina Heights, “that’s the best time to die!”

* * * * * *

Pakiusap sa mga maykaya sa komunidad: magpakabit po kayo ng mga CCTV camera sa inyong bakuran o pader.

Maliban sa deterrent at proteksyon ito sa pamilya ninyo, makatutulong pa ito sa pag-identify ng mga salarin kapag may krimen sa inyong lugar. Maaasahan po ba natin ang pakikiisa ninyo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply