Tents, generators ipamamahagi sa MM para sa tag-ulan

AABOT sa 170 “multi-purpose tents” at generators ang ipapamahagi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa 17 lungsod at bayan sa Kamaynilaan upang magamit sa oras ng kalamidad ngayong papasok na ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

Tig-sampung tents at generators ang ibibigay sa bawat lungsod at munisipalidad ng MMDA at nauna nang nabigyan ang mga lungsod ng San Juan, Muntinlupa at Malabon.

May sukat ang bawat tent ng 35 square meters na maaaring gawing “command centers,” temporary hospitals, pansamantalang silid-aralan at evacuation center.

Kaya nitong maglaman ng hanggang 34 katao bukod pa sa espasyo sa mga kagamitan.

Maaaring maitayo ang naturang tent sa pamamagitan ng generator na kahit saang lugar na isasagawa ang mga “rescue and response operations.”

Patuloy naman ang pagsasanay ng MMDA sa 1,000 opisyal ng barangay at mga volunteers sa bawat lokal na pamahalaan sa ilalim ng Oplan Metro Yakal, upang maging handa ang mga ito sa pagresponde sa mga kalamidad at iba pang sakuna tulad ng lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply