3 Pinay, 16 pa patay sa sunog sa Doha, Qatar

PATAY ang 19 katao kabilang ang tatlong Filipino sa sunog na naganap sa Villagio Shopping Center sa Doha, Qatar.

Kinilala ni Philippine Ambassador Crescente Relacion ang mga namatay na sina Maribel Orosco, Margie Yecyec at Julie Ann Soco, dahil sa smoke inhalation.

Ligtas naman ang isa pang Pinoy na si Michael Orosco.

Ayon sa ulat, nag-umpisa ang sunog sa Gympanzee Nursery School na matatagpuan sa loob ng nasabing mall.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply