1 dedo, 1 kritikal dahil sa away sa lupa

AWAY sa lupa ang itinuturong dahilan kaya pinagbabaril at napatay ang isang lalaki habang kritikal ang kapatid nito  kahapon ng umaga sa Purok Pendatun, Barangay Apopong, General Santos City.

Namatay noon din si Alex Dayo, 46, bunga ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang kapatid nito na kinilala sa pangalang Sonny Boy ay nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa likuran bahagi ng katawan at braso.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na alas-10:00 ng umaga (May 22), dalawang suspek ang humabol sa magkapatid na parehong nakasakay ng motorsiklo at pinaulanan ng bala ang mga biktima

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ang mga basyo ng M14 na posibleng ginamit ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ni Alex.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na matagal ng alitan sa lupa ang motibo sa pamamaril sa magkapatid na inako naman ng pulisya na matagal na nilang problema sa lugar dahil marami ng buhay ang nasayang dahil sa agawan ng lupa na hanggang ngayon na di pa rin nalulutas

Hanggang sa kasalukuyan nagsasagawa pa ng manhunt operation ang pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply