1st Philippine Ducati Weekend kasado na!

SA UNANG pagkakataon, mag-o-organize ang Ducati Philippines ng official Philippine Ducati Weekend sa darating na May 19-20 sa Clark International Speedway sa Pampanga.

Inaasahan ng Ducati Philippines na aabot sa halos 1,000 Ducatist (termino para sa mga Ducati fans) ang dadalo sa 2-day event sa Clark International Speedway. Para lamang sa espesyal na okasyong ito, inimbitahan ng Ducati Philippines ang world-renowned Ducati rider na si MR. TROY BAYLISS.

Kasabay rin nito ay ang paglunsad ng Ducati Panigale 1199 na gaganapin kinagabihan ng 19th FFF: FANTASTIC FERRARI FOUR

Halos tatlong buwan pa lamang ang nakararaan ng magbukas ang Autostrada Motor ng dealership dito sa Pilipinas. Kasabay nito ay ang pagdating ng Ferrari 458 Italia—ang pinakakilala at iconic na modelo ng Italian brand. Nitong nakaraang linggo, isang supercar na naman ang dinala ng Autostrada sa kanilang dealership store sa The Fort— ang Ferrari FF. Ang Ferrari FF, o Ferrari Four,ay ang kauna-unahang four-seater GT sports car ng Ferrari at ang tanging V12 sports car na may seven-speed dual-clutch F1 gearbox.

Inilagay rin ng Italian manufacturer ang kanilang patent car system na 4RM four-wheel drive system sa Ferrari FF; ito ay isa ring “first” para sa Italian brand. Ang 4-seater Ferrari ay may luggage capacity na 450 liters, at kung ibababa pa ang rear seats, aabot pa ang capacity sa 800liters—ang maximum luggage capacity para sa kategorya nito.

Naging bulung-bulungan na ang isa sa mga unit ng Ferrari FF ay binili ng isa sa mga bumubuo ng noontime show na Eat Bulaaga. Ang Ferrari FF ay maaaring makita sa showroom ng Autostrada Motor sa Bonifacio Global City, The Fort sa Taguig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply