2 bagets dinukot ng sindikato

DUMULOG kaninang umaga ang isang padre de pamilya sa himpilan ng Manila Police District headquarters upang humingi ng saklolo sa umano’y pagdukot sa kanyang anak na dalagita kasama ang isa pang kaklase nito.

Ayon sa pahayag ni Jonathan Martinez, mekaniko, sa MPD-General Assignment Section kasama ng kanyang anak na si Claudine, 13, estudyante ng San Isidro High School sa Makati City at residente ng 1949- 0 Leveriza St. Pasay City ang kaklase nitong nagngangalang si Justine, 13.

Nagpaalam umano ang kanyang anak na pupunta sa kaklase para kunin ang kanyang card kahapon (Mayo 17) dakong alas 4:00 ng hapon ngunit hindi na ito nakabalik pa ng kanilang bahay.

Gayunman, nagawa pa umanong makapag-text ang kanyang anak ngunit nabahala ito nang humingi ito ng saklolo at sinabing nasa madilim silang lugar, naka-lock ang pinto at wala umanong bintana ang kanilang kinaroonan.

Sa text message sinabi ni Claudine na isang ‘di nakilalang lalaki ang lumapait sa kanila dakong alas-6:00 ng gabi at sapilitang isinakay sa sasakyan.

Sinabi ni SPO3 Jun Bautista,imbestigador ng MPD-GAS, inaalis nila ang anggulong kidnap for ransom dahil mekaniko lang ang ama ng biktima.

Posible umanong bumagsak ang mga biktima sa sindikatong dumudukot sa mga kabataan na dinadala sa casa.

Pinayuhan din ni Bautista na magreklamo si Jonathan sa Pasay Police dahil doon sa lugar nadukot ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply