2 barangay sa S. Cotabato inilagay sa state of calamity

INILAGAY na sa state of calamity ang Barangay Matapol at Barangay Simsiman sa Norala, South Cotabato matapos ang pananalasa ng buhawi kasabay ng pagbuhos nang malakas na ulan.

Sa nasabing pangyayari, naapektuhan ang may 63 pamilya at umabot sa P500,000 ang kabuuang pinsala.

Ang delarasyon ay matapos ang pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Layunin ng naturang hakbang na magamit ang calamity fund ng bawat barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply