2 bebot na may kaso sa Amerika arestado

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang dalawang babaeng nahaharap sa mga kaso sa United States sa magkahiwalay na lugar sa Muntinlupa at Quezon City sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police.

Kinilala ni NCRPO chief Director Alan Purisima ang mga nadakip na sina Marilyn Ong, 56, ng 38 Ecology Village, Barangay Pio del Pilar, Makati City at Edna Alfuerto, 55, ng no. 3 Secretaria, North Quezon City.

Si Ong ay nadakip ng pulisya sa Alabang, Zapote Road sa Muntinlupa City habang si Alfuerto ay naaresto sa kanyang tinutuluyang bahay sa Quezon City.

Sinabi ni Purisima na inaresto nila ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 1 ng Metropolitan Trial Court, Manila kaugnay sa kasong pitong bilang ng paglabag sa BP 22 o Bouncing Check Law na kinapapalooban ng halagang P5,507,000.00

Inireklamo ang dalawa ng isang Thomas Lim noon pang nakaraang taon subalit ngayon lamang nadakip sa kabila ng paghingi rin ng tulong ng complainant sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Napag-alaman na nahaharap din sa kaso ang dalawa sa Estados Unidos kaugnay sa kinasasangkutang $80 milyong dolyar na panlilinlang sa Export-Import Bank of US na kinukumpirma pa ng US Department of Justice.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply