2 bebot na tulak, 3 pa timbog sa PDEA

NAARESTO ang lima katao kabilang ang dalawang babae na pawang nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Bukidnon at Cavite.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. timbog sa isinagawang buy bust operation sa Bukidnon sina John Paul Legaspi, 33 anyos, beer dealer; Dennis Paredes, 39 anyos; at Jali Jun Castillo, 38-anyos habang nadakip naman sa operasyon sa Cavite sina Jonalyn Joloya, 30; at Mary Grace Santos, 33, kapwa walang hanap-buhay .

Nadakip sina Legaspi, Paredes, at Castillo sa loob ng isang sikat na bar sa Don Carlos Street sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Mayo 16, 2012 matapos bentahan ng shabu ang isang poseur buyer ng PDEA.

Kinabukasan naman (Mayo 17) ay nadakip ng mga elemento ng PDEA RO4 sina Joloya at Santos sa buy-bust operation sa Barangay Bancaan, Naic, Cavite kung saan nakuhanan sila ng pitong sachet ng shabu.

Ang mga nadakip na suspek ay nahaharap ngayon sa kasaong paglabag sa RA 9165.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply