2 bus nagsalpukan: 12 pasahero sugatan

TINATAYANG 12 pasahero ang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa kanto ng Otis Street sa Pandacan, Maynila, bago mag-alas-10:00 ngayong umaga.

Nabatid na magkabuntot ang dalawang Pandacan Transport bus sa Paz Guanzon St. nang biglang huminto ang isa na may plate number NVC 585 at saka bumangga sa bus na may plakang TYV 527.

Kaagad namang rumespunde ang rescue team upang mailigtas ang hindi pa nakikilalang driver na naipit sa nagsalpukang bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply