2 ginto sinungkit ng army snipers sa Australia

DALAWANG gold medal ang nasungkit ng Philippine Army Shooting Team sa katatapos na 2012 International Army Skills-at-Arms Meeting (AASAM) na idinaos sa Puckapunyala Military Area sa Victoria, Australia.

Bumandera ang husay ng Pinoy sa 200m snap service rifle event at nagbida rito si Corporal R Rizano sa inilatag na 50.010 pts para pasukuin ang nakapilak na medalya na si Corporal C. Boisvert ng Canada sa 50.008 pts at naka-bronze medal na si  Sergeant P. Siahaan ng Indonesia sa kapatas na 50.008 pts.

Nagpakitang gilas pa ang Pinoy Army men sa pagkubra nina Staff Sergeant A. Mejia at Sergeant W Carrera sa 220 pts para sumatutal na gold medal.

Sumegunda lang ang Indonesia duo nina  Sergeants Sutarto at Suparjiono sa 210 pts at tumersera ang Indonesian pair na sina Privates Darmadi at Sugiono sa 205 pts.

Bumatak din ng silver medal Pinoy Army men sa 40m deliberate event na idineliber nina  Sgt. W. Carrera sa itinalang 48.007 at nakapagtala si Private Suwadi ng Indonesia ng gold sa 49.005 at kay Sergeant Vj Parise ng Canada sa bronze sa  48.004 pts.

Humila rin ng silver ang PHL Army Men sa team snap (277.016) at international service rifle match team (2079.190) sa torneong nilahukan ng mga team buhat sa Estados Unidos, Japan, Thailand, New Zealand, Canada, United Kingdom at Malaysia.

Ang bronze medal ay mula sa 400m snap (47.002), long range individual aggregate (135.008), bayonet attack event (49.000), service rifle individual aggregate (146.016), applied markmaship practice team event (2,155), obstacle course team (69.57), pistol tiles (17:46) at rifle falling plates (24.42).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply