2 holdaper timbog sa Caloocan

KULONG ang dalawang holdaper na nambiktima ang isang dalaga malapit sa presinto sa Caloocan City Sabado ng madaling araw, Mayo 26.

Nakilala ang mga suspek na sina Odilon Torres, 22 at Mark Rosete, 18 kapwa ng Abes cmpd., Sangandaan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang si Khristle Flores, 20 sa Samson rd., ng lungsod nang tutukan ng patalim ng suspek at kunin ang cellphone ng dalaga.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang humingi ng tulong ang biktima sa kalapit na Caloocan City Police Headquarters.

Agad na nirespondehan at nang balikan ang lugar ng pinangyarihan ay nadakip ang mga suspek at nabawi ang cellphone ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply