2 holdaper tumimbuwang sa engkwentro sa Bulacan

TODAS ang dalawang holdaper nang makipagbakbakan sa pulisya sa Bocaue, Bulacan sa ulat ng awtoridad kanina.

Nabatid na bago ang bakbakan ay isang Joel del Rosario na sakay  ng motorsiklo bitbit ang koleksyon ng mga pautang ang hinarang ng hindi nakilalang mga napatay, tinutukan ng shot gun saka pilit kinukuha ang kanyang dalang pera sa Barangay Batya.

Nagawa namang tangayin ng mga suspek ang P30,000 koleksyon ng biktima na agad humingi ng tulong sa mga pulis.

Sa follow-up operation ng mga pulis, naabutan ng mga ito ang mga salarin pero sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok ng baril kanilang agad na ikinamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply