2 kardyaker todas sa bakbakan sa Kyusi

KAPWA tumimbuwang sa bakbakan ang dalawang hinihinalang kardyaker nang kumasa sa operatiba ng anti-carjacking police sa Quezon City kaninang madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din ang dalawang hindi nakikilalang suspek na inilarawang 33 hanggang 24-anyos, kapwa katamtaman ang pangangatawan , kapawa nakasuot ng maong pants, t-shirt at rubber shoes.

Sinabi ni Quezon City Police anti-carjacking head Superintendent Ferdinand Villanueva na naganap ang bakbakan dakong ala-1:00 ng madaling araw sa may underpass ng Mindanao Avenue sa Sauyo area.

Bago ito, namataan ng mga tauhan ni Villanueva sa may Tandang Sora ang sasakyan ng mga suspek na isang kulay pulang Nissan Sentra (XDE-107).

Dahil kahina-hinala ang pagkakakabit ng plaka at hindi rin tugma ang modelo ng sasakyan ay pinara ito para sitahin.

Imbes huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sasakyan na humantong sa habulan at pagdating sa Sauyo area, pinapatukan ng mga suspek ang mga humahabol na pulis.

Bagamat may isang bala ang tumagos sa may gilid ng QCPD mobile patrol ay hindi naman tinamaan ang dalawang pulis na nasakay dito.

Nakakumpiska ng awtoridad ang dalawang kalibre 38, iba’t ibang klase ng mga susi at plaka ng sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply