2 kelot nagbigti sa Nueva Ecija

NUEVA ECIJA – Dalawang binata na sinasabing kapwa bigo sa buhay ang iniulat ng pulisya na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Senior Supt. Manuel Lucban, Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang dalawang nag-suicide na sina Albert Santiago y Corpuz, 32, binata at magsasaka ng Sitio Poultry, Barangay Magsalisi, Jaen, Nueva Ecija at Gilbert Nacional y Barcenas, 26, binata ng Zone2A, Villa Ramos, Barangay Abar 1st, San Jose City, N.E. Naunang naiulat sa pulisya ang pagpapatiwakal ni Santiago na umano’y may mental problem nang matagpuan itong nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto dakong alas-3:30 ng hapon noong Mayo 12.

Samantala, natagpuan naman ni Angelita Padua, 24, na noo’y nagwawalis sa paligid ang nakabitin ding bangkay ng biktimang si Nacional sa inuupahan nitong kuwarto sa nasabing lugar dakong alas-8:30 ng umaga ng Mayo 13.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply