2 kelot natabunan nang buhay sa landslide

DALAWANG lalaki ang namatay nang mabaon nang buhay sa naganap na landslide sa Zamboanga, sa ulat ng local Disaster Risk Reduction Management Council kanina.

Sa inisyal report na isinumite ng Provincial Risk Reduction Management Council,  naganap ang insidente alas 2:00 ng hapon sa Barangay San Roque, Zamboanga City nitong nakalipas na Martes.

Kinilala ang mga biktima na sina Miguel Gamores at Roderick Cabugsa, natabunan ng rumaragasang bato at tone-toneladang lupa.

Nakuha ang bangkay ng dalawa matapos ang dalawang oras na search and rescue operation ng awtoridad.

Itinuturo naman ni San Roque barangay chairman Bernard Clemente na ang talamak na quarrying ang dahilan ng landslide.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply