2 kelot todas sa kidlat sa Negros Occidental

PATAY ang dalawang lalaki matapos tamaan ng kidlat sa Cadiz City, Negros Occidental kahapon (Mayo 1).

Ang mga biktima ay kinilala na sina Jomarie Lañohan, 27, at Harold Caña, 24, kapwa taga-Barangay Mabini, ng naturang lungsod.

Patay na nang idating ang dalawa sa Cadiz District Hospital pasado alas-5:00 kahapon ng hapon nang masunog ang iba’t ibang parte ng katawan mula sa tama ng kidlat.

Nabatid na tinulungan ng mga ito ang truck na may kargang tubo ngunit biglang umulan dahilan para sumilong sila sa ilalim ng sasakyan.

Pinaniniwalaan na isa sa mga ito ang gumamit ng cell phone kaya nang kumidlat ay tinamaan sila na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply