2 kilabot na tulak arestado sa NBI sa Pasay

NAARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang kilabot na drug pusher sa raid na ikinasa sa Pasay City.

Ayon sa NBI Counter Intelligence Division, nakilala ang mga suspek na sina Reynaldo Marquez at Ryan Pineda.

Matagal nang nasa ilalim ng surveillance sina Marquez at Pineda matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI na sangkot ang dalawa sa pagtutulak ng iligal na droga.

Agad na naglabas ng search warrant ang ahensya at isinagawa ang raid sa Tenco St., sa Libertad, Pasay City at unang naaresto si Marquez nang makabili ng droga ang nagpanggap na puseur buyer.

Tiyempo ring nasa lugar si Pineda na noon ay nagtago pa sa loob ng aparador ngunit nahuli rin ng operatiba.

Narekober sa loob ng bahay ng mga suspek ang 13 sachet ng shabu at marijuana.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply