2 magsasaka todas sa NPA sa Cotabato

PATAY ang dalawang magsasaka makaraang barilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Cotabato City.

Kinilala ang namatay na sina Marlon Sulutan at kapatid nitong si Randy, kapwa mga tauhan ng Barangay Defense System (BDS) at residente ng Sitio Inin, Brgy Kabilao, Makilala.

Ayon sa ulat, napatay ang dalawa makaraang pasukin ng mga rebelde ang kanilang tahanan at sapilitan silang dinala sa hindi malamang direksyon.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril.

Natagpuan ang bangkay ng mga biktima na tadtad na ng bala sa ‘di kalayuan ng kanilang bahay.

Hinala naman ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan na pinaslang ang mga biktima dahil tauhan ito ng BDS na tumutulong sa militar laban sa mga NPA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply