2 mangingisdang nawawala natagpuan sa Ilocos Sur

NATAGPUAN na sa Ilocos Sur province ang mga nawawalang mangingisda sa Pangasinan.

Ayon sa report ng dzBB, nailigtas ang dalawang mangingisda na taga-Bolinao, Pangasinan, sa Magsingal, Ilocos Sur.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang mga mangingisda na sina Rodolfo Molina, 24; at Gringo Gagarao, 20.

Nabatid na nangisda ang mga ito noong madaling araw ng Biyernes, Mayo 25, ngunit hindi na nakuhang makabalik pa sa kanilang bayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply