2 motorsiklo nagsalpukan; 2 drayber dedo

WASAK ang mukha ng dalawang drayber makaraang magsalpukan ang kanilang mga sinasakyang motorsiklo sa Fil-AM avenue sa General Santos City.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Control Division, unang binawian ng buhay ang drayber na si Jayson Canumay, 19-anyos, binata at residente ng Purok Puting Bato Barangay Calumpang.

Sa ospital naman binawian ng buhay ang drayber na si Jesel Billon, taga-Zone 1, Barangay Fatima.

Batay sa ulat, kapwa nagtamo ng maraming bali at pasa sa katawan ang dalawang drayber na naging dahila ng kanilang kamatayan.

Hindi pa matukoy ng awtoridad kung lasing ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply