2 motorsiklo nagsalpukan, 3 tigbak

TATLO ang patay makaraang magbanggan ang dalawang motorsiklo sa Taytay, El Salvador City, Misamis Oriental.

Nakilala ang mga namatay na sina McGregor Dadang, 20, taga-Alubijid Misamis Oriental; Hans Openia na taga-Barangay Iponan sa siyudad at Edmund Entese, ng El Salvador City.

Patungo si Dadang sa direksyon ng Iligan City habang sila si Openia at Entese ay pauwi na sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Dead on the spot sina si Dadang at Openia habang si Entese ay nadala pa sa hospital subalit binawian din ng buhay.

Nasa kostudiya na ng mga pulisya ang motorsiklo ng mga biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply