2 namingwit ng tilapia niratrat

CAMP OLIVAS, Pampanga – Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nitong barangay tanod matapos silang pagbabarilin ng hinihinalang gun for hire sa Sitio Sampaga, Brgy. San Vicente, bayan ng Apalit kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ni Sr. Supt. Edgardo Tinio, Pampanga Provincial Police director sa tanggapan ni Chief Supt. Edgardo Ladao, PRO-3 director, inaalam pa ang motibo sa pamamaslang si Allan Alfonso Pagcu, 42-anyos, may asawa, ng Pulong Maligaya, San Vicente, Apalit, Pampanga na nasawi sa mga tama ng bala ng kalibre .45.

Naisugod naman kaagad sa Jose Memorial Hospital sa San Fernando ang barangay tanod na si Lamberto de Jesus, 64, na tinamaan ng bala sa paa.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya na halos araw-araw ay namimingwit ang mga biktima ngunit kahapon dakong alas-11:30 ng umaga habang pauwi na ang mga ito buhat sa sapa sa Sitio Telacsan ay palihim silang sinundan ng mga salarin na riding in tandem.

Pagtapat ng mga biktima na kapwa sakay ng bisikleta sa Sampaga Elementary School ay bigla silang pinagbabaril ng mga salarin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply