2 NPA todas vs militar

UTAS ang dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang makaengkuwentro ang mga sundalo na nagsasagawa ng ng security patrol sa isang liblib na barangay sa bayan ng Donsol, lalawigan ng Sorsogon kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-5:41 ng umaga nang magkasagupa ang dalawang grupo sa naturang lugar.

Ayon kay Maj. Angelo Guzman, spokesman ng 9th ID Phil. Army sa Bicol, nagpadala na ng mga sundalo sa lugar ang 31st Infantry Battalion dahil sa report ng mga sibilyan hinggil sa aktibidad ng mga NPA doon.

Wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy pa rin ang bakbakan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply