2 paslit tinangkang dukutin sa QC

DALAWANG paslit ang tinangkang dukutin ng isang sindikato sa Quezon City kagabi (Mayo 7).

Sa kabutihang palad, hindi nagtagumpay ang nasabing sindikato sa kanilang maitim na balak na kunin ang isa sa dalawang paslit na hindi pinangalanan sa may Don Raymundo St., sa San Agustin Village sa Barangay Talipapa.

Ayon sa mga magulang ng mga batang plinanong dukutin, naganap ang insidente dakong 6:00 at 7:00 ng gabi.

“Naglalaro sila sa may kalye, tapos biglang may green na van sa harap. Tapos may bumaba na isang mamang naka-bonnet, kaya tumakbo sila,” ayon sa nanay ng isa sa dalawang bata.

Nahuli aniya ng lalaki ang isa sa mga paslit na naglalaro at nakaladkad sa kanilang van na may tatlo ng kabataan ang nasa loob.

Sa kabutihang palad para sa pinakahuling biktima, isa sa mga bitkima ang nagpumilit na makatakas. Nang tangkang pigilan ng lalaking mula sa sindikato ang pagpalag ng paslit, wala na itong nagawa kundi ang pakawalan ito.

“Parang blessing in disguise ang nangyari,” sambit pa ng naturang ina.

Dahil dito, sa ngayon ay nagkaisa ang mga residente na magmatyag at magbantay sa kanilang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply