2 patay na sanggol itinapon sa Las Piñas

NANGANGAMBA ang ilang religious group sa Las Piñas City makaraang makadiskubre ng dalawang patay na sanggol na basta na lamang itinago sa magkahiwalay na lugar sa naturang lungsod.

Unang natagpuan ng 13-anyos na scavenger ang patay na sanggol na inilaglag sa sinapupunan sa Barangay Almansa Uno, alas-10 ng gabi.

Nakita aniya ng binatilyo ang isang babaeng naka-itim na damit na naglalakad sa Alabang-Zapote Road nang biglang itapon ang isang kahon bago nagmadaling sumakay sa pampasaherong jeep patungong Alabang.

Inakala aniya ng binatilyo na may mahalagang laman ang kahon kaya nag-unahan pa sila ng kanyang kapwa scavenger na buksan iyon subalit sa kanilang pagkabigla ay tumambad sa kanila ang patay na sanggol.

Kaninang madaling-araw, alas-4:30 naman nang matagpuan ang isang fetus sa harapan ng isang gusali sa kanto ng Naga Road at Panda St., sa Pulang Lupa Dos na tinatayang nasa anim hanggang walong buwan na.

Natuklasan ng security guard na si Erwin Refuezo ang naturang fetus kaya kaagad niyang ipinabatid sa mga nagpapatrulyang pulis.

Ayon sa isang alagad ng simbahan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na mahigpit na nagpapatupad ng batas na nagbabawal sa abortion subalit patuloy pa rin itong isinasagawa ng mga walang pusong ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply