2 patay sa flasflood sa Sarangani

DALAWA kasapi ng ethnic group na Lumad ang namatay habang isa pang kasamahan nila ang nawawala, matapos tangayin ng rumaragasang tubig-baha sa lalawigan ng Sarangani Province, ayon sa ulat ng local disaster coordinating unit ngayon.

Sa report na isinumite ng Saranggani Provincial Disaster Coordinating Unit ay kinilala ang mga namatay na sina sina Lil Lumbong, 18-anyos at isang Bateng Masalum, kapwa ng Sitio Dulao, Barangay Tuyan Malapatan Sarangani Province.

Ayon kay P/Insp. Rodel Javison ng Malapatan Police Station, kinumpirma ang pangalan ng mga  namatay ng kasama nilang dalawang bata na may edad lamang na walo at lima na himalang nakaligtas sa nasabing flashflood.

Nadiskubre ang dalawang bangkay ng mga biktima matapos makita ng isang Thelma Maladiang, residente ng Barangay Tuyan na nakahambalang sa gilid ng Tuyan river.

Ayon kay Maladiang, maraming pasa at sugat sa katawan ang mga biktima at base sa inisyal na imbestigasyon ay nadaganan ng malaking bato ang mga ito nang tumawid sa nasabing ilog.

Sinasabing pauwi na sana ang dalawang biktima sa bukid mula sa Malapatan ng abutan ng malakas na baha, habang tumatawid sa ilog.

Nabigla na lang ang mga opisyal ng Barangay Tuyan nang i-report ng mga barangay tanod na may bangkay ng isang babae at lalaki ang nakita sa isang ilog.

Pinaghahanap naman ang nawawalang kasamahan ng dalawang namatay na biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply