2 patay sa sumalpok na motor sa Sarangani

DALAWA ang patay at isa ang patuloy pang inoobserbahan ng mga doktor sa pagamutan matapos mabangga ang kanilang motorsiklo na sinasakyan sa barandilya ng tulay sa Malapatan, Sarangani province.

Ayon sa CSU member ng District Hospital na si Daud Galagaran, dead on arrival sa ospital ang backrider na si Daniel Bruno, 16, ng Tuyan, Malapatan, habang patay din nang dumating sa St. Elizabeth Hospital ang isang Nono, sinasabing driver ng motor.

Sugatan naman sa insidente ang isang Anpen Alam, 16.

Sa impormasyon, lasing ang drayber ng motorsiklo at nasobrahan sa pag-iwas sa grupo ng mga nagkarerang biseklita kaya bumangga sa nasabing tulay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply