2 patay sa sunog sa Makati

KUMPIRMADONG patay ang dalawang reisdente makaraang matupok ng apoy ang kanilang bahay na pinagmulan ng sunog kaninang umaga sa Makati City.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima na si Renato Gregorio at isang Bennie Padilla, 48.

Nasugatan naman ang kapatid nitong si Nori Yu nang mabagok ang ulo nito dahil sa pagtalon nito mula sa bahany na nasusunog.

Hinahanap pa rin ang nawawalang residente na kinilalang si Mang Jose Padilla at Dolores Padilla na hindi pa rin nakikita hanggang ngayon.

Aabot sa mahigit na 50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog na nagsimula sa isang residential area sa kanto ng Kalayaan Avenue at J.P. Rizal St. sa Makati City bago mag-alas-5:00 ng umaga.

Nasugatan din ang fire volunteer na si Julito Sebastian nang tamaan ng dulo ng hose sa mukha.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply