2 piloto ng bumagsak na eroplano ng PAF patuloy na hinahanap

HINDI pa rin natatagpuan ang dalawang piloto ng bumagsak na eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa karagatang sakop ng Mariveles Bataan nitong Biyernes (Mayo 18).

Ngayong araw itutuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy ang search and rescue operations para sa dalawang nawawalang piloto.

Kahapon, itinigil muna ang paghahanap sa dalawang piloto matapos kapusin ng mga oxygen tank.

Balak na ring gumamit ng PAF ng sea bed mapping ship na may side sonar para mapabilis ang paghahanap.

Roronda rin ang barko ng Philippine Navy sa lugar na sinasabing pinagbagsakan ng eroplano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply