2 piloto sa bumagsak na PAF plane, missing pa rin

HINDI pa rin matagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy ang dalawang piloto na sakay ng bumagsak na 2-seater plane ng PAF, sa Mariveles, Bataan, kahapon ng umaga.

Ani PCG- NCR Commodore Cecil Cheng, maghapon nilang sinuyod ang Manila Bay at karagatang kalapit nito pero wala pa rin silang nakitang bakas na nandun ang dalawang biktima.

Nagpakalat na rin ang PCG ng “frogmen” sa Limay, Bataan malapit sa pinagbagsakan ng eroplano.

Alas-10:30 ng umaga kahapon nang bumagsak ang attack plane ng PAF  kung saan sakay ang hindi muna pinangalanang mga piloto.

Itutuloy ang search operation bukas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply