2 pinagtataga, todas sa Rodriguez, Rizal

PATAY ang dalawang obrero nang pagtatagain sila ng kapwa nila mag-uuling sa Wawa, Barangay San Rafael sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga namatay na sina Benjie Reyes, 34 at Ernesto Antonio, taga-Sto. Niño, Marikina City.

Natagpuan ang bangkay nina Reyes at Antonio, gayundin ang itak na ginamit sa pagpaslang sa kanila, sa gilid ng ilog ng Sitio Anipa, Barangay San Rafael, kung saan sila ibinaon.

Nadakip naman si Ryan Retolado, 21-anyos, at ang 17-anyos na kapatid nito.

Nag-ugat ang krimen nang hindi nabayaran ng mga biktima ang utang nila sa mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply