2 reporter ng tabloid naholdap sa Malabon

HINOLDAP ng tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper ang isang pampasaherong dyip kung saan nakasakay ang dalawang reporter ng Camanava press malapit sa presinto ng Malabon City, kagabi (Mayo 25).

Sa pahayag ng mga biktimang sina Grande Del Prado ng Remate at Maeng Santos ng Bulgar, dakong alas-9:00 kagabi, sakay sila ng pampasaherong dyip at pagsapit sa C-4 Road, Tonsuya ng lungsod ay biglang nagsampahan ang mga suspek at nagdeklara ng holdap.

Habang nakatutok ang mga patalim ay nilimas ng mga suspek ang mga kagamitan ng mga pasahero kabilang ang cellphone ni Del Prado habang pinalad si Santos na hindi napansin ang dalang cellphone.

Matapos ang limasin ang gamit ng mga pasahero ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Tumuloy naman ang mga biktima kabilang ang dalawang reporter sa Police Community Precinct 3 na ilang metro lang ang layo subalit hindi na rin naabutan ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply