2 sugatan sa Cotabato blast

ISANG guro sa pampublikong paaralan at isang residente ang nasugatan makaraang sumabog ang isang fragmentation grenade sa harapan ng bahay ng Maguindanao municipal treasurer sa Pikit, North Cotabato kahapon, ulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ni Sr/Insp. Elias Dandan, Pikit municipal police station chief, ang mga sugatan na sina Joreva Mariscal, 54, teacher; at Teresita Delicano, 30, kapwa residente ng Poblacion, Pikit.

Ayon pa sa ulat, nasa loob ng bahay ni Juliet Mariscal, bagong talagang municipal treasurer ng Pagalungan, Maguindanao, ang mga biktima nang ihagis ng hindi nakilalang suspek ang granada.

Hinihinalang may kinalaman sa pagkakatalaga kay Mariscal ang paghahagis ng granada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply