2 suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Caloocan nadakip na

NADAKIP na ng mga pulis ang dalawang suspek sa pagpatay sa mag-ina matapos may lumutang na testigo sa Caloocan City, kaninang madaling-araw.

Iniharap kanina kay Caloocan City Mayor Enrico Echiverri ang mga suspek na sina Mark Padua, 38 at Randy Daya, 33, pawang ng Palmera Spring 2, Camarin, nasabing lungsod.

Ang dalawa ang itinuturong nakita ng saksing si Joel Mercado, 40, na uminom ng softdrinks sa balkonahe ni Faith Jaena, 50 at anak na si Tessa, 15, ala-1 ng madaling-araw noong Mayo 12.

Pagsapit ng alas-8 ng umaga, umuwi ang anak ni Faith na si Timothy, 20, at nakita ang mga biktima na tadtad na ng saksak at kapwa patay na.

Nawala ang laptop, dalawang cellphone, alahas at hindi pa batid na halaga ng pera ng mga biktima.

Nang lumutang si Mercado at makakuha ng mga ebidensiya ang mga pulis ay agad na dinampot sina Padua at Daya sa Palmera Spring 2 ng alas-5:30 ng madaling-araw.

Lumalabas na nakatalo ng mga suspek si Faith dahil sa utang ng mga una sa ginang.

Ibinigay naman ni Echiverri ang pabuyang P200,000 kay Mercado na naging dahilan upang madakip ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply