2 Taiwanese drug courier timbog sa NAIA

BIGO ang dalawang Taiwanese nationals na maipasok at maibenta ang mga dala-dalang illigal na droga sa Pilipinas matapos na maaresto ang mga ito ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong isang linggo.

Sa kalatas na ipinalabas ng kawanihan ngayong araw (Mayo 2), kinilala ang mga drug courier na sina Shen Wun Bing, 34-anyos at Len Mao Yang, 28-anyos. Ang dalawa ay inaresto ng mga tauhan ng BI intelligence unit sa NAIA matapos na dumatiing sa Pilipinas sakay ng China Airlines noong Abril 26.

Ayon pa kay BI-NAIA Intelligence chief Uso Dan Salasim, naging kahina-hinala kilos ng mga dayuhan habang inaasikaso ang kanilang pasaporte sa immigration arrival counter.

Napansin din ng mga tauhan ni Salasim na bumalik pa sa immigration counter ang isang dayuhan matapos na matatakan ng arrival stamp ang kanyang pasaporte upang kunin ang bagahe ng kanyang kasama.

Dito na nagduda ang mga tauhan ng kawanihan kaya humingi ng ayuda ang mga ito sa NAIA customs personnel upang mabuksan ang kanilang bagahe na naglalaman ng mga plastic sachet ng tabletang Clonazepam at Alprazolam, mga ipinagbabawal na droga sa ilalim ng Anti-illgal Drugs Act.

Kasalukuyang nasa pangangaiaga ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) ang mga dayuhan upang sumailalim sa imbestigasyon at masampahan ng kaukulang kaso.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply