2 taon, 11 buwan kulong sa 2 mediamen

DALAWANG TAON at 11 na buwan na pagkakakulong ang hatol ng korte sa Santiago City, Isabela sa dalawang mamamahayag sa kanilang kasong two counts ng libel.

Ibinaba ang desisyon ni Judge Efren Cacatian ng Santiago City Regional Trial Court branch 35 laban kina Alberto Dionisio at Camilo “Mel” Bitantes, dating manager ng nagsarang AM Station sa Santiago City at ngayon ay kapwa blocktimer sa isang FM Station.

Bukod sa kulong, pinagbabayad din ng P500,000 moral damages at P50,000 attorney’s fee ang dalawa.

Nabatid na nag-ugat ang kasong libel ng dalawa nang isampa ni Mayor Amelita Navarro ng Santiago City dahil sa kanilang paratang sa kanilang programa sa radyo na maraming anomalya sa operasyon ng Integrated Transport Terminal sa Santiago City.

Agad namang dinala ang dalawang mamamahayag sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Batal, Santiago City matapos basahan ng sakdal.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply