2 tiklo sa buy-bust operation sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City kagabi (Mayo 27).

Nakilala ang mga suspek na sina Michael Polanco, 33 at Leonardo David, 64 ,kapwa ng Macabalo St., ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta ng shabu ang mga suspek sa kanilang lugar.

Dakong alas-6:00 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar at isang pulis ang umaktong poseur buyer.

Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu kapalit ng P500 ng poseur buyer ay agad na dinamba at dinala ang mga ito sa presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply