2 todas sa banggan sa C5

UTAS ang dalawa katao, habang dalawa rin ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa C5 flyover, Bagong Ilog, Pasig kanina.

Patay sina Florentino Eusebio, taxi driver at kanyang pasahero na si Maria Consuelo Magnaye, habang isinugod sa pagamutan sina Rene Baytan, lulan ng motorsiklo at ang drayber ng Mitsubishi Fushion na si Maybeline Perez.

Lumalabas na binabaybay ni Perez ang south bound lane ng flyover nang bumangga sa poste ng ilaw sa center island.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay sumakabilang lane ang sasakyan at nabangga ang taxi at motorsiklo, ikinamatay ng dalawang biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply