2 todas sa salpukan ng 2 motorsiklo

DALAWA katao ang patay matapos magsalpukan ang minamaneho nilang motorsiklo sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ang mga namatay na sina Reynaldo Apalis, 50, residente ng Barangay Tangcalan, Calanasan, Apayao at Philip Viernes, 27, binata, residente ng Centro 7, Claveria.

Ayon sa imbestigasyon, sumalpok ang dalang XRM ni Apalis sa kasalubong na TMX 155 na may plakang BK 3066 na minamaneho ni Viernes matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan.

Namatay noon din si Apalis habang dead on arrival naman sa pagamutan si Viernes sanhi ng mga tinamong matinding sugat sa katawan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply