2 trike driver nagduwelo, kapwa dedo

UTAS ang dalawang tricycle driver matapos magduwelo gamit ang patalim sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Nabatid na matagal nang may alitan sina Francis Manansala Y Fabiate, 35, binata at si Pablo Fabia y. Verdejo, 52, may-asawa, pawang residente Del Heroes 96 ng lungsod.

Dead on arrival ang dalawa sa MCU Hospital dahil sa mga tinamo nilang saksak sa iba’t ibang parte ng  katawan.

Sa pahayag ng saksing si Rolando San Agustin, 65, kasamahan ng mga namatay na pare-pareho silang nag-aantay ng mga pasahero sa kanilang pila.

Kinompronta ni Fabia si Manansala hanggang humantong pagsasaksakan.

Inaalam ng mga awtoridad puno’t dulo ng nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply