2 trike nagsalpukan; buntis, asawa’t anak patay

NAMATAY ang isang walong-buwang buntis at sugatan ang asawa’t anak nito makaraang salpukin ang sinasakyan nilang tricycle nang isa pang  tricycle sa national road ng Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales.

Agad na nasawi ang buntis na si Rochelle Tapalic, 28, habang sugatan naman ang asawa niyang si Efren at anak na si Ashley, kapwa mga taga residente ng Brgy. Mambog, Botolan naturang lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang pamilya ng kanilang tricycle na may plakang 7949CZ,  at binabagtas ang national road patungong Olongapo nang magpumilit na mag-overtake sa kabilang lane ang isa pang tricycle (7505RW) na minamaneho ng isang Edwin Edano at sumalpok sa mga biktima.

Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang mag-ina sa kalsada, na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Samantala, agad namang sumuko ang mga suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injuries and damage to property.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply