20 sentimos bawas sa singil sa text inihirit

UMAPELA ngayon ang whistle blower na si Joey de Venecia III sa National Telecommunication na ipatupad ang kanilang utos hinggil sa 20 sentimos na bawas sa SMS text messaging.

Nais ni De Venecia na puwersahin na ng NTC ang mga telecommunications company gaya ng Smart at Globe na sundin ang kanilang ipinatupad na bawas-singil sa text.

Nauna ng nagpalabas ng kautusan ang NTC noong October 24, 2011 na nag-uuutos sa mga pangunahing telecommunication company gaya ng Globe at Smart na bawasan ng halagang 20 sentimos ang singil sa kanilang SMS text messaging o kaya ay mula 35 sentimos ay ibaba ang singil sa 15 sentimos.

Ani, De Venecia pitong buwan ang nakalilipas pero wala pa ring nangyayari at sa halip, patuloy pa ring umiiral ang lumang paniningil sa text messages.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang malalaking telcos sa bansa matapos mabili ng Smart ang Digital telecommunications na kilalang SUN cellular.

Dahil dito, napilitan si De Venecia na maghain ng petisyon sa korte ng mandamus at injunction laban sa NTC at mga nabanggit na telcos.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply