200 kilong isdang huli sa dinamita, nasabat ng La Union Police

LA UNION – Mahigit kumulang 200 kilong isda ang nasabat ng lokal na awtoridad na umano’y huli sa dynamite fishing kahapon ng madaling araw sa San Juan sa nasabing lalawigan.

Ang mga nasabing isda na nasabat ng Philippine National Police (PNP) La Union ay mga matang baka at galunggong.

Ang mga isda ay nakalagay sa malalaking stryrofoam na nakalagak sa isang truck na minamaneho ni Rolando Daruyo, 37, ng Salisay, Dagupan City.

Ang nasabing mga isda ay nakatakdang dalhin sa Dagupan City sa Pangasinan upang doon ibenta.

Bago maganap ang pagkumpiska, may mga concern citizen na tumawag sa lokal na PNP na ang mga nasabing isda ay huli ito sa dynamite.

Pagkatapos matanggap ang impormasyon, nagsagawa ang La Union police ng checkpoint at doon nila nasabat ang mga nasabing isda.

Napag alaman ng REMATE na ang may-ari ng mga nasabing isda ay nakilalang si Jojo Fernandez, 38, ng Dagupan City.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad kung anong kaso ang isasampa kay Fernandez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply