200 pang job fair ikakasa ng DOLE

MAGANDANG balita para sa mga walang trabaho dahil magkakaroon pa ng mahigit 200 job fair ang Department of Labor and Employment sa buong bansa sa ikatlong bahagi ng taong ito.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hindi dapat mag-aalala ang mga hindi nakalahok sa isinagawang Labor Day Job Fairs sa bansa noong Mayo 1.

Ang mga nasabing job fair matapos ang Labor Day ay tulong na rin umano ng mga lokal na pamahalaan, tripartite partner ng Dole, Public Employment Service Officers, at pribadong sektor.

Anang Kalihim, iba’t ibang uri ng trabaho ang iaalok sa mga nasabing job fairs at tatargetin nila hanggang sa barangay level.

“Job fairs are a way of bringing togeteher under one roof employers and jobseekers,” pahayag ni Baldoz.

Para sa buong buwan ng Mayo 2012, ang mga job fair ay gagawin sa mga sumusunod:

NATIONAL CAPITAL REGION (NCR): May 2–Caloocan City Hall; May 4–LRPESO sa Marikina City; South Station II, Muntinlupa City; May 5– iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City; May 7–PESO, Marikina City; PESO Office, Taguig City Hall; May 9–Caloocan City Hall; Coop SMMPC c/o PESO Taguig City; May 11–South Station II, Muntinlupa City; May 12–iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City; May 14–PESO Office, Taguig City Hall; LRPESO, Marikina City; May 18–City Hall, Las Piñas City; PESO, Marikina City; South Station II, Muntinlupa City; Barangay North Daang Hari, Taguig City; May 19–iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City; May 21–PESO, Marikina City; PESO Office, Taguig City; May 23–Brgy. Wawa, Taguig City; May 24–PESO Office, Malabon City Hall; May 25–PESO, Marikina City; South Station II, Muntinlupa City; PESO Office, Pasay City Hall; May 26–iba’t ibang barangay sa PESO Muntinlupa City; May 28–PESO, Marikina City; PESO Office, Taguig City Hall; at May 30–Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

REGION I: May 4–ABS-CBN Ground floor; CAP Bldg., Laoag City; May 5–Civic Center, Agoo, La Union;

REGION II: May 2012–Aparri, Cagayan; Gonzaga, Cagayan; Cauayan City, Isabela; at Provincial Government of Nueva Vizcaya, Bayombong, Nueva Vizcaya;

REGION III: May 2–SM City Marilao; SM City Baliwag; May 2012–Capitol Ground, Baler, Aurora; PESO Office, Municipal Hall, Paniqui, Tarlac; PESO Office, Municipal Hall, Capas, Tarlac; May 12– Talavera Gym, Talavera, Nueva Ecija; PESO Office, Municipal Hall, Lubao, Pampanga; Province of Pampanga;

REGION IV-A: May 2012 (tentative)–Teresa Municipal Gymnasium, Teresa, Rizal; May, 2nd week– Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta;

REGION IV-B: May 2012–City Hall, Puerto Princesa City;

REGION VI: May 2012–Isabela Gymnasium, Isabela, Negros Occidental; Iloilo City local and overseas job fair); Bacolod City, Negros Occidental; Iloilo City (business process outsourcing job fair);

REGION VII: May 12–Panfil B. Frasco Sports Complex-Kai Gym, Liloan, Cebu; May 26–Municipal Hall, Balamban, Cebu; May 28–BQ Mall, Tagbilaran City, Bohol;

REGION VIII: May 9–Provincial Capitol, Naval, Biliran;

REGION X: May 11–Municipal Gym, Calamba, Misamis Occidental; May 15–City Gym, Malaybalay City; May 24–City Lobby, Ozamis City; May 25–City Lobby, Ozamis City;

REGION XI: May, 3rd week–UM Davao;

REGION XII: May 12–Municipal Lobby of Pigcawayan, North Cotabato;

CAR: May 2012—Provincial Capitol of Abra; Provincial Plaza, Mountain Province.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply