2,000 pamilya nasunugan sa Maynila

TINATAYANG umabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na lumamon sa 1,000 kabahayan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kahapon (Mayo 11).

Ayon kay Manila Fire Marshall Bonifacio Carta, itinaaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog na nagsimula dakong alas-4:00 kahapon na tumagal ng tatlong oras.

Kabilang sa naapektuahan ng sunog ang Purok Dos, Purok Tres at Purok Kuwatro na nagsimula sa Purok Uno.

Ayon kay Carta, mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials.

Nagsagawa naman ng drafting operation o pagsipsip ng tubig sa dagat ang mga bombero para magamit sa pag-apula ng apoy.

Maging ang Philippine Coast Guard (PCG) ay tumulong na rin sa rescue operation at ginamit ang kanilang mga fire boat.

Ilan naman ang inulat na nasaktan sa sunog na agad namang dinala sa Gat Andres Bonifacio Hospital upang malapatan ng lunas.

Pansamantala munang nanunuluyan sa Delpan Sports Complex ang mga nasunugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply