21.4 milyong estudyante, handa na sa Hunyo 4

TINATAYANG 21.4 milyong estudyante ang nakahanda na para sa opisyal napagbubukas   eskwela na sa Hunyo 4.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Jess Mateo, 1.7 milyon sa mga ito ang nasa kinder.

Sinabi ni Mateo na ang mga papasok sa kinder ngayon Hunyo ay ang magiging unang batch ng mga estudyanteng sumalang sa full implementation ng K + 12 Program ng DepEd.

Nilinaw pa ni Mateo na walang babayaran sa enrollment ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Mateo, hindi na bago ang naturang kautusan at sakaling maningil ang paaralan ay maari itong idulog sa Help Desk ng DepEd Regional Offices.

Binigyang diin ni Mateo boluntaryo lamang ang pagbabayad sa anumang kokolektahin sa pasukan.

Mahigpit na pinaalalahanan ng DepEd)  na hindi pinapayagan ang pampublikong paaralan na mangulekta ng kahit anumang bayarin sa mga magulang habang sila ay nagpapa-enroll ng kanilang mga anak.

Binigyang-diin  ni Mateo, layunin nito na mabawasan ang alalahanin ng mga magulang hinggil sa bayarin sa eskwelahan na isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang hindi makapag-aral o tumigil sa kalagitnaan ng kanilang pag-aaral.

Ipinagmalaki din ni Mateo na nabawasan na ang kakulangan sa mga libro at classroom at nasa 48,000 classrooms na lamang ang kulang mula sa dating mahigit 68,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply